Mga proseso sa isang Psychological Assessment

Mga proseso sa isang Psychological Assessment Magsagawa ng panayam sa kliyente Sa unang bahagi ng pagbibigay ng isang Psycological assessment , kinakailangan ng psychologist na makapanyam muna ang kliyente. Dito mag tatanong ang psychologist tungkol sa sarili ng kliyente, kung may mga naiisip ba siya na hindi nakakabuti sa kaniyang kalooban, mga karanasan sa nakaraan at madami pang iba. Ngunit lahat ng ito ay hindi sapilitan at nakadepende padin sa kliyente kung gusto niya ba na pag usapan ang isang partikular na paksa o hindi. Pumili ng angkop na pagsusulit Sa parte na ito ay gagawa ang psychologist ng isang pagsusulit na sasagutan ng kaniyang kliyente. Ang mga tanong dito ay nakabase sa mga sagot ng kliyente sa kaniyang panayam. Ang mga tanong ay kinukuha sa mga tanong din mismo ng kliyente upang mas malalim na maunawaan ng psychologist ang takbo ng pagiisip ng kaniyang kliyente. Ang paraan ng pagbibigay ng pagsusulit ay naiiba sa bawat tao. Interpretasyo...