Tekstong Argumentatibo

 Russia Vs. Ukraine

 

Bilang mamamayan ng bansa na nakaranas nang ilang daang taon na pananakop ng ibang lahi, hindi ako kahit kalianman sang-ayon sa pananakop ng Russia sa Ukraine. Iba’t ibang kadahilanan ang ipinahayag ng presidente ng Russia na si Vladimir Putin patungkol sa paglusob niya sa Ukraine ayon sa inilabas na mga artikulo ng The New York Times at BBC News. Isa dito ay ang pahayag niya na masugpo ang mga Nazi o isagawa ang de-Nazification sa bansang Ukraine dahil naniniwala siya na mayroong nangyayaring bullying at genocide (planado at sistematikong pagkitil sa isang pangkat etniko, lahi, relihiyon, o bansa) dito, ngunit malabo itong mangyari dahil isang Jew (Hudyo) ang nakaluklok ngayon na lider ng Ukraine. Ang iba niya pang mga rason ay nagiging tila puppet na ng kanluran (west) ang Ukraine, ang hindi pagtupad ng kanluran (west) sa pangako nila na ang NATO ay hindi magpapalawak ng kahit isang pulgada sa silangan (east) ngunit sa ngayon ay marami nang mga bansa sa silangan ang kabahagi nito, at ang Ukraine ayon sa kasaysayan at kultura, ay bahagi ng Russia sa simula pa lamang.

            Sa kabila ng mga pahayag na ito ni Vladimir Putin, hindi nito nabago nang kahit kaunti ang isip ko sa hindi pag sang-ayon sa pagsakop ng Russia sa Ukraine. Mayroong napaka daming paraan para magkasundo ang mga lider na may problema sa isa’t isa ngunit hindi kailanman isa dito ang magsimula ng giyera. Ang giyera ay isang napaka walang kwentang pagtatalo na ang mga pangunahing nagiging biktima ay mga sibilyan at inosenteng tao. Hindi ito nagbibigay ng sagot sa mga problema bagkus ay nakadadagdag pa ito.

            Ang patuloy na pag lusob ng Russia ay maaaring magdulot ng trauma at stress sa mga residente ng bansang Ukraine. Mataas ang tsansa na magkaroon ng PTSD (Posttraumatic stress disorder) ang mga residente at sundalo ng Ukraine na lumalaban kontra Russia. Pero hindi lang ito para sa mga nakatira sa Ukraine. Ang mga tao sa buong mundo ay maaaring magbago ang isip at pagtingin pag Russia na ang pinaguusapan. Diskriminasyon ang unang papasok sa isip ng mga tao na kapag sila ay nakakita ng isang Russian ay iisipin na agad nila na masama ito dahil sa nangyayaring digmaan ng Russia at Ukraine. Makikilala ang presidente ng Russia na walang awa at mamamatay-tao dahil pwede naman madaan lahat sa maayos na usapan ngunit mas pinili niya na gumamit ng dahas. Ang epekto ng digmaan na ito sa mga tao ng buong mundo ay takot, dahil maaari itong mag sanhi ng ikatlong digmaang pandaigdig pag hindi naresolba kaagad. Sapagkat hindi pa man nararanasan ng karamihan sa atin na mamuhay sa panahon ng giyera ay tiyak naman na hindi ito kanais nais at walang sinuman ang gugustuhing mabuhay sa ganoong klase ng sitwasyon.

 

 

 

 

Mga Sanggunian:

Kirby, B. P. (2022, March 3). Why is Russia invading Ukraine and what does Putin want? BBC News. https://www.bbc.com/news/world-europe-56720589

Bilefsky, D., Pérez-Peña, R., & Nagourney, E. (2022, March 2). What Does Russia Want in Ukraine? A Full Guide. The New York Times. https://www.nytimes.com/article/russia-ukraine-nato-europe.html

 

Comments

Popular posts from this blog

Ang Alegorya ng Yungib

Pangkatang Gawain - Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong