Tula tungkol sa pulitika


 

Ang tinaguriang perlas ng silangan

May mga taong ‘sing hihirap ng daga

Pano nga ba na ito ay maiwasan?

Dapat natin gawin, maghalal nang tama

 

Wag makinig sa salitang mabulaklak

Upang ‘di rin madala nang kahanginan

Tayo ay tila ba pinepeste nila

Sila na mga salot nitong lipunan

 

Ako na mismo ang nagmamakaawa

Baya’y iligtas sa tiyak na pinsala

Upang di mauto, magbanat ng buto

Sa pananaliksik sa taong nandito

 

 

Comments

Popular posts from this blog

Ang Alegorya ng Yungib

Pangkatang Gawain - Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong

Tekstong Argumentatibo