Mga proseso sa isang Psychological Assessment
Mga proseso sa isang Psychological Assessment
Magsagawa ng panayam sa
kliyente
Sa unang bahagi ng pagbibigay ng isang Psycological assessment, kinakailangan ng psychologist na makapanyam muna ang kliyente. Dito mag tatanong ang
psychologist tungkol sa sarili ng
kliyente, kung may mga naiisip ba siya na hindi nakakabuti sa kaniyang
kalooban, mga karanasan sa nakaraan at madami pang iba. Ngunit lahat ng ito ay
hindi sapilitan at nakadepende padin sa kliyente kung gusto niya ba na pag
usapan ang isang partikular na paksa o hindi.
Pumili ng angkop na
pagsusulit
Sa parte na ito ay gagawa ang psychologist ng isang pagsusulit na sasagutan ng kaniyang kliyente.
Ang mga tanong dito ay nakabase sa mga sagot ng kliyente sa kaniyang panayam.
Ang mga tanong ay kinukuha sa mga tanong din mismo ng kliyente upang mas
malalim na maunawaan ng psychologist
ang takbo ng pagiisip ng kaniyang kliyente. Ang paraan ng pagbibigay ng
pagsusulit ay naiiba sa bawat tao.
Interpretasyon ng mga
sagot at marka
Ikatlong bahagi ay ang pagbibigay ng interpretasyon sa sagot at marka ng kliyente. Dito na magkakaroon ng mas malawak na pagunawa ang psychologist sa kaniyang kliyente upang mabigyan ito ng rekomendasyon, kung kailangan ba niya ng mga gamot o kailangan niya pang magpa konsulta ng ilan pang mga beses.
Pagsasama sama ng lahat
ng mga nakalap na Impormasyon
Kaugnay ng ikatlong bahagi, ang ikaapat ay ang pagsasama sama
ng lahat ng mga impormasyon na nakuha ng psychologist
sa kliyente. Hindi lamang sa pagsusulit na ibinigay ngunit kasama na rin ang
unang bahagi o ang panayam. Ang lahat ng mga impormasyon na ito ay makakatulong
para sa susunod na bahagi.
Pagsusulat ng Psychological assessment report
Ikalimang bahagi ay ang pagsusulat ng isang Psychological assessment report.
Nilalaman nito ang pangkalahatang impormasyon ng kliyente na magmumula sa
kaniyang mga personal na impormasyon kasama ang pangalan, edad, kasarian, at
iba pa na hindi maaaring ilabas o ipakita kahit kanino maliban nalang kung
mayroong sapat na rason para dito. Kasama din dito ang mga nakalap ng psychologist na mga sagot sa kanyang mga
panayam at pagsusulit na ibinigay. Sa madaling salita ito ay parang isang buod
na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa kliyente.
Pagbibigay ng komento
sa kliyente
Huling bahagi ay ang pagbibigay ng komento o feedback sa kliyente sa patapos na parte
ng isang Psychological Assessment. Ang
kahalagahan nito ay may magkaroon ng kaliwanagan ang kliyente at ang psychologist. Dito ang parte kung saan
maaari na magtanong ang kliyente tungkol sa mga bagay na nais niyang itanon o
sa mga parte na hindi malinaw para sa kanya. Trabaho naman sa parte na ito ng psychologist na magbigay ng mga positibo
at negatibong sagot at mga komento ngunit hindi dapat ito makasasama sa nararamdaman
ng kliyente. Kailangan niyang tiyakin na bago lumabas ang kliyente sa klinika
ay mas mapabuti ang kalagayan nito kahit kaunting porsyento lamang kaysa mas
lalong lumala.
Comments
Post a Comment