Tekstong Impormatibo

 Neolohismo: Kasabay ng mga tao, wika ay nagbabago.

Sa paglipas ng panahon, kaakibat nito ay ang madaming pagbabago. Mga nakasanayan, kultura, teknolohiya, paraan ng pamumuhay, at marami pang iba. Isa na dito ay ang mga kapansin-pansin na mga pagbabago sa usaping pang wika at isa na dito ay ang neolohismo.

Ang neologismo ay mga balbal o hindi pormal na salita na matatawag din na slang sa wikang Ingles na ginagamit upang mas magkaintindihan ang mga tao, nasa maliit o malaking grupo man ang mga ito. Sa depinisyon ng Merriam Webster Dictionary, ang neolohismo o neologism sa Ingles ay: a new word, usage, or expression o isang bagong salita, paggamit sa mga salita o expression. Ayon din kay Maria Jose Roldan (2020), ang mga neologism o neolohismo ay expression, salita at kahit gamit ng wika na wala dati, ngunit isinama upang tumugon sa pangangailangang umangkop sa reyalidad ng mga nagsasalita sa lipunan.

Ano nga ba ang mga sanhi at bunga sa usaping neolohismo?

Sa patuloy na paglawak ng wika sa paglipas ng oras, iba’t ibang wika din ang nabubuo sa bawat henerasyon. Ito ay naka depende sa panahon na pinamumuhayan ng mga tao at ang konsepto ng wika na ito ay tila ba eksklusibo sapagkat ito ang ginagamit nila na wika o mga salita upang mas maunawan pa ang isa’t isa na hindi man limitado, sila lang ang gumagamit ng mga salitang nabubuo nila sa panahon lang din nila.

Isa pang maituturing na sanhi ng neolohismo ay ang wika na naimpluwensiya sa atin ng mga banyaga, nagkakaroon ng pagkakahalo-halo ng mga salita. Mga salitang tagalog na nahahaluan ng ibang lenggwahe na tanging ang mga tao lang sa panahon na yon ang nakakaintindi. Dahil na din dito ay mas lumalawak pa an gating bokabularyo at nagkakaroon pa ang mga tao ng mas madaming paraan para mas maunawaan pa ang isa’t isa.

Arkaismo (archaism) kontra neolohismo.

Ang arkaismo ayon sa Wiki Languages (2022) ay ang mga salitang lipas o napaglipasan na ng panahon, mga dating nagagamit na salita na ngayon ay kung hindi man bihira ay hindi na talaga nagagamit. Naiiba ito sa neolohismo sa paraang kung ang neolohismo ay mga bagong salita na nabubuo sa isang henerasyon, ang mga salita na nakapaloob sa arkaismo ay literal na luma o matagal nang nabigkas ngunit hindi na nagbabago pero hindi padin ito nakakalimutan at maaari padin na magamit. Halimbawa nito ay ang alibata na sinaunang alpabeto na ginamit ng mga Pilipino noon.

Ngunit magkaiba man sapagkat ang isa ay luma at ang isa ay patuloy na nagbabago, nagkakaparehas padin ang mga ito sa paraang pareho ito na nakatulong sa mga tao. Sila ay nagamit upang makabuo ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga indibidwal sa makabago o sinaunang panahon man

 

 

Mga halimbawang uri ng neolohismo.

Neologism ng form - kapag ang mga umiiral na salita sa wika ay nilikha sa pamamagitan ng nabanggit na mga proseso ng komposisyon o pinagmulan.

Mga neologism na semantiko - nakuha ang mga ito kapag ang isang salita na mayroon na sa isang wika ay may bagong kahulugan.

Pagkakaiba-iba - mga salitang nagmula sa ibang mga wika kahit na ang kanilang anyo o bigkas ay hindi iginagalang.

Mga barbarism - ito ay binibigkas sa maling paraan ngunit naging popular ito sa mga nagsasalita at nagtatapos ito na gawing normal.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga uri o anyo ng neolohismo. Ito ay patuloy pang nadadagdagan at madadagdagan habang lumilipas pa ang mga taon kaya kailanman ay hindi ito magkakaroon ng tiyak na bilang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Talasanggunian

Espinosa, M. D. (2019, January 18). Dinamiko Ng Wikang Filipino: Impluwensiya Ng Neolohismo Sa Kasanayan Sa Pakikipagtalastasan | Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts. Aaresearchindex.Com. https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/7788

Roldan, M. J. (2020, November 6). Ano ang mga neologism. Recursos de Autoayuda. https://www.recursosdeautoayuda.com/tl/mga-neologism/

Merriam Webster Disctionary (2022, March 28). Neologism meaning. https://www.merriam-webster.com/

Wikilanguages.net. (2022, March 31). Archaic in Tagalog. Wikilanguages. https://wikilanguages.net/Tagalog/Archaic.html

403 Forbidden. (2022). Warbletoncouncil. https://tl.warbletoncouncil.org/neologismo-11503

 

 

 

            

Comments

Popular posts from this blog

Ang Alegorya ng Yungib

Pangkatang Gawain - Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong

Tekstong Argumentatibo